Pagsusumikap

at ang Budismong Pureland sa Pilipinas


Leave a comment

Ika-20 Anibersaryo ng Sangay ng Jodo Shinshu sa Hong Kong, Lektura at Pagpapalabas ng Pelikula

Noong ika-29 ng Hulyo, pinagdiwang ng sangay ng Jodo Shinshu sa Hong Kong ang kanilang ika-20 anibersaryo. Kasabay ng mga lektura, may mga dumalo na baguhang makikinig ng Budismo. Ipinalabas din ang pinaka-bagong bersyon ng pelikulang “Why Live.” Si Gg. Takamori (anak ni punong-gurong Takamori) ay nagbigay ng lektura tungkol sa layunin ng buhay at kaligayahan.

Photo Credit: Lolit Choa 

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements


Leave a comment

Isang Payak na Paglalarawan sa Budismong Jodo Shinshu

Ang Budismong Pureland ay isang sangay ng Budismong Mahayana. Ginagamit nito ang aral ng Jiri Rita na sa pagtulong ko sa aking kapwa at tinutulungan ko rin ang aking sarili. Taliwas sa mas tradisyunal na aral ng Gari-gari na nakatuon sa pagtulong sa sarili. Ito ay malawakang isinasagawa sa Japan pati sa Tsina, Korea, Taiwan at Vietnam.

Ang Budismong Pureland na aking sinusunod ay Jodo Shinshu Buddhism. Ito ay itinatag ng Hapon na monghe na si Maestro Shinran at pinagyabong ng kanyang disipulong si Rennyo.

Itinuturo nito na ang pangunahing layunin ng buhay ay ang makamit ang Ganap na Kaligayahan, na hindi tayo bibiguin kahit sa kamatayan. Ito ay makakamit sa pamamagitan ng Pangako ni Amida Buddha na nagaalis ng tabing ng nagaalinlangang isipan at nagbibigay ng kaliwanagan ng isipan o Ganap na Kaligayahan. Makakamit ang Pangako ni Amida Buddha sa pamamagitan ng 3 gawain:

  1. Pakikinig sa Budismo
  2. Chanting (ay tulad ng isang inaawit na dasal na nagbibigay galang sa mga turo)
  3. Paggawa ng 6 na Mabubuting Gawain

At sa gitna ng mga turong ito ay ang Batas ng Sanhi at Epekto na ang pinakahangarin ay “Tumigil sa paggawa ng masama at gumawa lamang ng mabuti.”

Ito ang ilan sa batayan ng Budismong Jodo Shinshu sa patuloy na pag-aaral nito mas higit pang marami and madidiskubre at mas higit na mauunawaan ang lalim ng bawat aral.

 


Kung interesadong makapagaral ng tungkol sa Budismong Jodo Shinshu mayroon kaming mga palagiang Skype Live Lectures. Bukod dito, maari ding mag-aral sa ilalim ng isang guro. Mainam ito sa mga hindi pa kumportable na makinig na may kasamang grupo. Bukod dito maiiaayon ng guro ang iyong pag-aaral base sa mga oras  na kombenyente sayo at sa bilis ng iyong pagunawa.

Maaring mag-iwan ng mensahe sa mga link sa ibaba kung interesado:


Leave a comment

Gurong Kodama at Maeda bumisita sa Sentro ng Budismong Pureland sa Pilipinas

Bumisita sina gurong Kodama at Maeda sa Sentro ng Budismong Pureland sa Pilipinas noong nakaraang Hunyo 14, 2017. Nakilala nila ang ilang myembro. Ang mga miyembrong hindi nakapunta ay nakilala nila sa pamamgitan ng Skype.

Photo Credit: Eishi Kodama | Hideo Maeda

This slideshow requires JavaScript.


Leave a comment

Ano ang Budismo?

Ang Budismo ay isang Relihiyon at Pilosopiya na itinuro ni Sakyamuni Buddha o Gautama Buddha noong 6th siglo B.C. (mga 2,600 na taon na ang nakalilipas). Iniwanan n’ya tayo ng 7,000 na sutra.

Ngayon may 2 pangunahing paaralan ng Budismo, and Theravada at ang Mahayana. Sa kabila ng pagkakaiba, bahagi pa rin ng 2 paaralan na ito ang karaniwan na elemento ng tradition, saloobin at buod ng aral ng Budismo. Katulad ng isang punong may malalim na ugat at tinubuan ng maraming sanga.

Ang Theravada, ang pinakamatandang paaralan ng Budismo, ay malawak na sinasagawa sa mga Timog Asyanong bansa ng Sri Lanka, Cambodia, Laos, Burma, at Thailand. Ito na siguro ang pinakatradisyunal ng paaralan ng Budismo dahil ang sinusunod dito ay ang pinakamaagang turo ni Buddha. Halos hindi nito binibigyang pansin ang mga konsepto ng bathala. Ang layunin ng mga turo nito ay ang maabot ang Nirvana o isang estado ng lubos na kaligayahan na magpapalaya sa walang katapusang pagsilang dito sa mundo.

Ang Mahayana ay nagsanga sa maraming uri ng paaralan sa mga basang Japan, Korea, China, at Tibet. Ilan sa mga uri ng paaralan ng Mahayana ay ang Zen, Pureland at Tibetan. May mga paaralan ng Mahayana na kumikilala sa konsepto ng bathala.


Leave a comment

Ano ang Layunin Natin sa Buhay? (at ang 2 kategorya ng Kaligayahan)

Ang tanong na maraming beses nang sinagot ngunit hindi talaga nasasagot. Marahil iba-iba kasi ang ideya ang bawat sa isa sa kanilang layunin sa buhay. Tatanungin natin ang tanong na ito sa ating sarili. Maaga sa iba, huli sa iba pero darating ang tanong na ito sa ating buhay.

Tinuturo ng Budismo na ang layunin natin sa buhay ay maging masaya. Simple lang no? Simple nga ba? Maaring magagam-agam tayo sa katwiran na ito. Pero sa likod ng simpleng pangungusap na ito mababatid natin na may mas malamin itong sinasabi. Hindi ba’t sa lahat ng ginagawa natin, ginagawa natin ito upang sumaya? – umayos ang pakiramdam, lumigaya, mawalan ng alalahanin, mawalan ng problema, mawalan ng pagdududa, atbp… Walang duda na walang sinuman sa atin ang gagawa ng mga bagay na sadyang makakapag-miserable ng ating buhay. Ang kaligayahan ay isang uri ng pamumuhay at kailangan natin ito sa ating mga buhay.

Itinuro ni Sakyamuni Buddha ang 2 kategorya ng Kaligayahan. Sila ang mga sumusunod:

2 Kategorya ng Kaligayahan

1. Di-ganap na Kaligayahan

Ito ang klase ng kaligayahan na kailangan natin upang mabuhay. Mayroon itong 3 katangian. Ito ay pansamantala, hindi kumpleto, at naglalaho pagkamatay natin. Ang ganitong klase ng kaligayahan ay naguugat sa ating mga hangarin bilang tao (ang pagnanais na makakuha o makagawa ng isang bagay), at ang hangarin ng tao ay walang katapusan – pera, kasintahan, libangan, kalusugan, aliwan, at marami pang iba. Ngunit kalaunan ang matinding galak na nadama natin sa umpisa ay unti-unting nawawala. Tulad sa law of diminishing marginal utility, lahat ng bagay ay nakakasawa kapag paulit-ulit na itong ginagawa. Lahat nga bagay ay pansamantala. Ang kabataan natin ay tatanda, ang malakas na katawan natin hihina – ito ang realidad ng buhay. Ang mga bagay na minsa’y nagdala sa atin kagalakan ay mawawala ang kinang. Kaya nga maigi na tingnan nating ang mga bagay sa maaring mangyari sa hinaharap nito, nang sa gayon kapag nanduon na tayo ay alam na natin na nagbago na ito.

2. Ganap na Kaligayahan

Ang kaligayahan na ito ay ang layunin natin sa buhay. Ang kaligayahan na ito ay hin mabubuwag at hindi tayo lilisanin. Makakamit ito sa pakikinig at pagsasabuhay ng mga turo ng Budismo. Magandang ring simulan sa Batas ng Sanhi at Epekto at ang Anim na Mabubuting Gawain ang pag-aaral ng Budismo.


Leave a comment

Ang 7 Kawanggawa

A broom
Ang titik na gamit ng mga Hapon para sa “tao” ay may ibig sabihin na ang isang tao ay nabubuhay upang suportahan ang iba.

Japanese Character for Person

Tunay ngang hindi tayo mabubuhay kapag wala ang ibang tao. Lahat tayo ay umaasa sa isa’t isa para sa ating negosyo, relasyon,pamilya at pamumuhay.
Sabi nga, walang tao ang namumuhay lamang ng magisa.
Dahil dito, sa Budismo, ang pagkakaisa ay binibigyan ng mataas na importansya. Kung walang pagkakaisa hindi tayo magkakasundo at mahirap makatapos ng mga gawain.
Kung may pagkakaisa o pagkakasundo sa ating tahanan, trabaho at lipunan, ang higit na kaligayahan ay makakamtan natin.

Paano nga ba natin tayo magkakaisa? Sa paggawa ng 7 Kawanggawa ay makakamit natin ito. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Malugod na tingin
  2. Ngiti
  3. Mabuting mga salita
  4. Taos-pusong pagkilala ng utang na loob
  5. Tulong na pisikal
  6. Pagpapakumbaba
  7. Pamamahagi ng pagkain o masisilungan

Lahat ng ito ay bahagi ng 6 na Mabubuting Gawain ng itinuro ni Buddha upang magbigay kaligayahan sa nagbibigay at tumatanggap.

Higit pang tuklasin ang tungkol dito at iba pang mga aral sa pagdalo ng aming pagkikita-kita sa Meetup. https://www.meetup.com/The-purpose-of-life/


Leave a comment

Ang 6 na mabubuting gawain o 6 na Paramita

Maari daw nating sumahin ang mga turo ng Budismo sa isang pangungusap, at ito ay “Itigil ang paggawa ng masama at gumawa ng mabuti.” Ito rin ang pinakabuod ng batas ng sanhi at epekto, na siyang sentro ng turo ng Budismo. Kahit ang isang tatlong taong gulang na bata ay alam na dapat tayong gumawa ng mabuti, ngunit ang isang otsenta anyos ay alam rin na mahirap itong isagawa. Ano nga ba ang mabuting gawa? Marahil ay makakalikha tayo ng mahabang listahan nito, ngunit binigyan tayo ni Buddha ng 6 na masasabi nating kabuuan ng lahat ng mabubuting gawain. Sila ay ang mga sumusunod, kasama ang maikling paglalarawan sa bawat isa.

  1. Kagandahang-loob o pagiging mapagbigay

May 2 uri ng kagandahang loob, sila ay:

  • Hindi materyal na pagbibigay: Ang pagbabahagi ng mga aral ng Budismo ay ang pinakamahusay na uri ng hindi materyal na pagbibigay. Mayroon din tayong tinatawag na 7 uri ng kawang-gawa na uri rin ng hindi materyal na pagbibigay. Ito ay ang malugod na tingin, ngiti, mabuting mga salita, taos-pusong pagkilala ng utang na loob, tulong na pisikal, pagpapakumbaba, at pamamahagi ng pagkain o masisilungan.
  • Materyal na pagbibigay: Ito ay ang pagbibigay ng tulong pinansyal o ng mga bagay para sa mga taong pinagkakautangan natin, mga taong nirerespeto natin at mga taong lubos na nangangailangan. Kailangan nating sanayin ang mahusay na pagkilatis sa mga taong nais nating bigyan ng tulong na materyal. Sapagkat kapag tumulong tayo sa mga taong masama pala ang balak magbubunga ito ng masamang resulta.

2. Pagtupad ng Pangako o Disiplina

Huwag nating sirain ang ating mga pangako dahil sinasayang nito ang oras ng ibang tao at sinisira nito ang tiwala ng ibang tao. Kung sakaling matapos makapangako ay napagtanto natin na hindi pala natin kaya tuparin ang ipinangako natin, sabihan natin ng maaga ang taong ating napangakuan na hindi natin kayang tuparin  ito. Sabihin din natin sa kanila ang rason kung bakit hindi tayo makakatupad sa pangako.

  1. Pasensya o pagtitiis

Ang pagiging mapagpasensya ay ang paggawa ng mga bagay habang naghihintay sa resulta. Huwag natin ikalito ang kapabayaan sa pagiging mapagpasensya.

  1. Pagsusumikap o kasipagan

Ang pagsusumikap ay isang sinasadyang pagsasanay, tulad ng paggawa ng mga mabubuting gawain kahit walang nakatingin. Ito ang kasipagan sa paggawa ng mga bagay kahit gaano kaliit ito.

  1. Pagsusuri ng sarili o pagsusuri ng ating mga nagawa

Sabi ni Sakyamuni Buddha, dapat ay 3 beses sa isang araw natin sinusuri ang ating mga sarili o ang ating mga nagawa. Ilan sa atin ang gumagawa nito? May gumagawa kaya sa atin nito kahit isang beses sa isang araw? Ang pagsusuri ng sarili ay nagpapakita ng katatagan ng pagiisip; ang maligalig na utak ang kasalungat nito. Ang pagsusuri ng sarili ay pagtiningin sa ating kalooban, pagkatuto sa ating mga kamalian, at ang pangako ng pagbabago.

  1. Ang pagpapabuti ng sarili

Ang huling Paramita ay ang pagpapabuti ng sarili at ito ay karunungan. Ito ang kabuuan ng naunang 5 Paramita.

Pumili nag isang mabuting gawain na sa tingin mo ay kaya mong gawin na maiigi at gawin ang lahat ng iyong makakaya para gawin ito. Kalauanan, mapapansin mo na sa paggawa ng isang ito ay nagagawa mo na rin pala ang iba pang 5. Tandaan “Itigil ang paggawa ng masama at gumawa ng mabuti,” ito ang buod ng aral ng Budismo.